tips para sa masagang luvlyf sa year 2008
para sa mga walang luvlyf ngaung magpapalit ang taon. at sa mga nagbabakasali na swerterhin sa taon ng 2008 ito ang mga ilang bagay na maaari nyong sundin para sa masaganang luvlyf. ito ay mula sa aking psychic side.
1. mahahabang strayt na buhok – madalas kasing gwing pangtago ng muka ng mga ito ang kanilang buhok. ingat sa kanila.
2. masyadong gwapo – marami ka nang kaagaw, mhirap malingat.
3. mapuputi - kadalasan bading. baka mapagbintangang barkada mong bading. lolz
4. walang trabaho – hindi ka naman bumibili ng boypren di ba?
5. hindi nag-aaral – tulad ng walang trabaho, pala yan.
6. mayayaman – kaya nilang palitan ka ng isang oras lang o wala pa.
7. di marunong magbiro – mas masaya kasama ang kwela kesa sa pacute na walang kwenta.
ito ay ilang lang sa mga nasesense kong dapat iwasan. at para magkaron kayo ng magandang ideya kung sino ang nararapat para sayo sa taong 2008, ito ay ilan sa aking mga karakter:
1. kulot ako – nagpakulot ako ksi nagawa ko na yong pagtago ng muka nung long hair pa ko. nagbago na ko (malambing na boses)
2. di ako gwapo di rin panget – ako’y iyo at ikay aking lamang.
3. moreno – moreno ang kulay ko. Richard Gomez ang dating! matipuno! (try mong kumontra!!!)
4. site admin – yan ang aking trabaho. simple lang pero di ka mapapahiya sa mga prends mo at parents mo.
5. BSCOE – yan ang aking tinapos. ilang taon kong pinaghirapan ang aking pag-aaral.
6. katamtaman – estado ng buhay. di mayaman, di rin mahirap. tama lang. bagay kanino man!
7. joker – masarap kausap! masayang kasama! friendly. although im a joker, im not a lier!!!
maganda na sigurong balangkas ng dapat mong maging boypren ang mga ito. magiging madali na lang para sayo ang magkaboypren. maaari mo ring hingin ang number ko para sa ibang detalye ng aking mga katangian. hahaha. hihintayin kita. sana maging tayo na.
wholesome ako!!!!
ohh ahh.. bakit ka ganyan?bakit gustong gusto mo akong nanghihina matapos ang isang mahabang pagsasama na kadalasan ay taung dalawa lng. minsan nga gusto mo pa sa harap ng maraming tao. di ko alm ang iyong dahilan. lalo na kapag sinimulan na kitang dilaan. di ko rin mapigilan ang aking sarili, paghawak na kita dalawa mong paa. at didilaan kita mula taas hanggang baba. ohh anong sarap na ginagwa ko to sau ng mabilis mabagal. minsan di ko mapigilan nakakagat kita. sori ha. di ko ksi mapigilan ang sarap na nararamdaman ko. kung pwedeng araw araw sana naten gawin un. kaso alm mo naman ang dahilan. pero kung makakakuha ulit akong oras, ikaw ang unang kong pupuntahan. o kaya magkita tau sa dating tagpuan. ipagpaumanhin mo kong ilalathala ko dito ang iyong itsura. gusto ko lng na ipagmalaki ka sa lahat!!!!
mahal kita mula pa nong akoy bata!!!
philippine racism
noong nasa kolehiyo pa
sa buhok maraming humahanga
minsan din napapagkakamalan
meron ding mga nayayabangan
mga tang-ina nyo mga walang magawa
bakit di nyo isipin mga bagay na makakapagpabuti sa inyo
kesa alamin kung anong bagay ang sisira sa iba
siguro maladas na ulam nyo noon ay bubog
sabaw ng kanal at ginataang laman na galing sa poso negro
naiwasan ko ang pakikipag-away sa lahat ng paraaang alam ko
kahit na sabihing takot ako ay inisnab ko
ngayong iba na ang style ng buhok ko
ayaw nyo pa ring tantanan ang pagiging iba ko
kung sa bagay di nyo kaya ang ginwa ko
di mahawakang buhok aking pinaafro
pero talgang malaki ang galit mo sa tulad ko
na simple lang at di magalaw
pero swabeh at pati syota mo tunay
pare di ko aagawin sayo ang syota mo
potah pre ito lang ang masasabi ko sayo
DI AKO PUMAPATOL SA KAPWA KO LALAKE!!!!
Talo pa ang “KOREANOBELA”!
alam nyo na ba ang bagong kinahuhumalingan ng mga tao ngayon? ang bagong pinakaaantabayanan? ang pinakapinagkakaguluhan? laman ng bawat usapan, inuman, chikahan at katsismisan? kung di mo pa nababalitaan ito, kawawa ka. nahuhuli ka na sa balita. taga sang planeta ka ba galing? aba aba aba…. subukan mo namang manood ng RADYO, makinig sa DYARYO at magbasa ng TV! dahil sa mga oras na to ay malamang na pinagtatawanan ka na ng pinagtatanongan mo! ge ge ge.. sasabihin ko na para di ka naman magmukang tanga. magkaron man lang ng kabuluhan ang pananatili mo sa lupa..Sssshhhhh.. wag maingay at makinig…
ang bagong love triangle ng taon! kinabibilangan ng mga malulupet sa hagupit! matitikas na dating! nakakakabang mga pangyayari! im proud to present; “LANDO“, “MINA” at “NONOY“. balitang balita na ang pagbabalik ni “LANDO” sa bansa. mula sa bansang Vietnam kung san siya pinagkaguluhan at maging dito sa ating bansa nang itoy makadalaw gawa ng kanyang asian tour. muli itong nagbabadya ng pagbalik. muling pananalasa matapos ang matagumpay na pagdaan ng diumanoy love interest nitong si “MINA“. subalit napapabalita rin ang pagkakasabay nila nang nagngangalang “NONOY” na bagong napapabalitang naghahabol din kay “MINA“, ayon na rin sa ulat na nagmula pa sa “PAG-ASA“.
tama ka kaibigan sayong mga nabasa. 3 bagyo ang kinatatakutang magsabay-sabay na manalasa sa ating bansa bago matapos ang taon. ito ay ayon na rin sa aking mga napanood, nabasa at naring. ibayong pag-iingat po at paghahanda ang kaialangan sa mga panahong ito. wag rin sana nateng kalimutan ang magdasal.
sabi nga ni kuya kim,
“WALANG SAKUNA SA PAMILYANG LAGING HANDA“!!!
babay…………
tama na po?? suko na ko…
kelan nyo ba kami titgilan?? inaano ba namin kayo? kung tutuusin dapat pa kayong magpasalamat samin dahil sa libreng tirahan, pagkain at mga pangangailan nyong naibibigay namin… kung may nagawa man kaming kasalanan, sori na!!!! patawarin nyo na kami.. tigilan nyo na ang pamilya ko.. maga na ang buong katawan namin sa pagpapahirap nyo..
tangenang lamok to..binigyan mo ng tirahan mangangat pa.. shet!!! puro pantal na katawan ko…
taena!!!magpakita ka!!!
maganda ang gabi ko last monday dahil na ka 2 round ako sa FF ko (for the first time). medyo masama ang gising dahil sa biglang pagsulpot ng ng pinsan ko. nagpapasama sa mall para mapaactivate ang gprs at maitanong na rin kung panu gamitin ang cp bilang modem. ayos na lahat kung di ko nabalitaan ang iyong pagdating sa week na to, kinain mo pa day off ko. shet! di mo ba alam n sa thursday ang day off ko at yun lang ang nag-iisang araw sa loob ng isang linggo para aliwin ko ang sarili ko (uminom, magakwatsa at isakatuparan ang mga plano). pero ano, ikinilat mo pa ang pagdating mo para kahit pilitin kong makalabas eh wala akong makakasama dahil sayo. nanalo ka dahil di ako nakalabas kahapon, wala akong naisakatuparan sa mga plano ko, at magbabayad ka dahil dito. nananadya ka ba? di pa rin ako makalabas dahil iniisip kong sa anumang oras e dumating ka na di ako handa sa mga pag-atake mo. at di ka pa nasiyahan, nagawa mo bang magbrown out samin at ito ako ngayon nasa loob akong kwarto ko. nagtiyatiyaga sa madilim, malamok at walang buhay na lugar na to. di ko pa rin magawang lumabas at kahit pilitin kong lumabas ngayon malamang nanay ko na ang pipigil saken. alam mo ba kung ganu mo ko pinahihirapan, pati pamilya at mga kaibigan ko dinamay mo pa.. ano??? kelan ka ba talaga darating?? handa na ako!!!!!
para sa mga kababayan kong nasa bikol din, ingat po tayo… hanggang ngayon eh wala pa ring paramdam si “MINA“. mukhang nagbabadya sya ng masamang gabi.. lets pray na hindi matulad sa kumare nyang si “REMING” ang dala dala nyang pinsala…..
God bless us all
OHHHH…CTOBEERFEST NA!!!!
Malapit na ang buwan ng mga manginginom! Buwan ng mga sunog baga, adik sa alak, mga yosi kadiri in short araw namin ng trop ko. bwahahahaaha(tawang demonyo). Araw na mataas ang percentage na dumami nanaman ang populasyon ng pilipinas o mabawasan o. mabawasan dahil sa away at patayang maaaring mangyari dulot ng sobrang inom ng mga hayok sa alak, mga walang patawad sa katawan. dadagdag dahil sa sobrang kalasingan at lamig ng panahon, nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa bawat isa. puno nanaman ang SOGO nyan…bwahahha.. masarap talaga ang mga gantong kapistahan o pangmalawakang okasyon, di tulad ng rally na dulot ay trapik at minsan sakitan. dito marami ang nasisiyahan. kaya di mo ko mapapaniwala na mahirap ang mga pinoy.PAKSHET!!! panu nakabili ng alak mga yan kung walang pera? mas mataas ang posibilidad na kesa kumain sila ay iinom na lang. lasing ka na, busog ka pa.. at may take out pa kung papalarin. di ba package deal ang dating. hehehe.. kaya hanggat maaga eh nag-aaya na ako.. kung sino man sainyo ang gabi-gabing inom, parang awa nyo na. idamay nyo ko.. sagot ko ang patawa, sagot nyo alak, yosi, pulutan at babae.. wag nyong kakalimutan ang huling nabanggit, jan kasi manggagaling ang inspirasyon nyong malasing at magpakalasing… at para naman sa lahat ng mag-aaya saken para painumin ko, ito lang masasabi ko sainyo. tandaan at ipakatanim sa kokote mong malakulangot sa laki at lagkit sa kulit.
“HINDI KAYO MAWAWALAN……
…….
…….
…….
…….
……
HINDI RIN KAYO MAGKAKARON….”
TAGAYTAY GHOST STORY!!!
This story happened a few months ago
along the Ridge Road in Tagaytay.
There was a guy who got left behind by a pack
of mountain bikers. The group was
large and he didn’t bring a cellphone.
He crashed his bike somewhere
between Picnic Grove and DBP. To make things
worse, a storm came in. So he walked.
This guy was on the side of the road
hitch hiking on a very dark night
in the middle of a storm. The night
passed slowly and no cars went by.
The storm was so strong he could hardly
see a few meters ahead of him.
Suddenly, just before the junction
going to Manila , he saw a car slowly
looming, ghostlike, out of the gloom.
It slowly crept toward him and
stopped. It was raining hard, wind
blowing all around you, what would
you do? Like you would, he got into the
car and closed the door, then
realized that there was nobody inside
the car…. even in the drivers seat.
The car slowly started moving again.
The guy was terrified, too scared
to think of jumping out and running.
The guy saw that the car was slowly
approaching a sharp curve. The guy
started to pray, begging for his
life; he was sure the ghost car would
go off the road and he would plunge
to his death, when just before the
curve, a hand appeared through the
window and turned the steering wheel,
guiding the car safely around the
bend.
Terrified, the guy watched the hand
reappear every time they reached a
curve. Finally, the guy gathered his
wits and leaped from the car and ran
to the nearest place where there were
houses.
Wet and in shock, he went into a store
and voice quavering, ordered two
bottles of beer, and told the people
about his horrible, supernatural
experience. A silence enveloped
everybody when they realized the guy was apparently
sane and not drunk.
About half an hour later two guys
walked into the same store.
One said to the other……….
“Yan! Yan yung tarantadong sumakay
habang nagtutulak tayo…”
….kung sino man ang may-akda nito maraming salamat sayo.. binuhay mo ang dugo ko… isa kang henyo, medyo tumindig balahibo ko pero sa huli magkakanda tae ako sa kakatawa… taas noo ako sa gawang Pilipino..
“GREAT MIND, GREAT BEER!!!” —-huwaaaaaaattttt……!!!!!
There’s no place like home
Mahigit isang taon din akong nalayo sakin pamilya, kaibigan, kamag-anak, kabatak, katambayan, dating kaeskwela, tropa, kainuman at mga taong malapit saken. Isang taon din akong nagtiis sa mga bagay na di ko nakasanayan gawin at bagay na di ko dapat ginagawa. Isang taon akong nagtiyaga para marating ang anumang kinalalagyan ko ngayon. At sa wakas, sa loob ng mahigit sa isang taon ay nakabalik at nakauwe na ko sa lugar na aking kinagisnan. Lugar na nagmulat ng mga bagay bagay. Lugar san akong tinubuan ng sungay at natutong manuwag, lumaban sa hamon ng pagkakataon. Ang aking tirahan, sa wakas andito na kong muli. Kwarto ko, salamat at di ka p rin nagbabago. Magulo ka pa rin at marumi. Sa aparador ko, salamat din dahil walang kang pinagbago. Wala ka na ngang masyadong laman, ang gulo pa rin ng dating mo. Salamat, salamat, salamat….. Ngayong narito ko, di na tayo muling maghihiwalay. Kung namis mo ang pagdadala ko ng babae at paggawa ng kalokohan, hayaan nyot magpapahinga ako saglit at muli nating gagawin ang mga bagay na nagpasaya saten nun. Umasa kayo na mas malupet, mas matindi, at mas magagaling ang ipakikita ko sainyo… Salamat kwarto ko!!!
nasan ang langet???
Madalas kong itanong sa magulang ko, nakakatanda saken, mga kapitbahay, tiyo at tiya kung san talaga naroroon ang langet.. madalas din nilang sinasagot na “Sa ibabaw ulap matatagpuan ang langit!”. Matagal na naglalaro sa isip ko ang sagot sa tanong kong iyon. Madalas ko ring abangan sa mga pelikula ang eksenang magpapakita ng ulap baka kasi sakaling makita ko ang langit. Ngunit sawi akong makita ang sagot nila sa tanong ko. Kauuwe ko lang last week mula maynila. At sa pagkakataong ito erplen ang paraan ng transportasyong sasakyan ko. Sa wakas mararating ko na rin ang langit kahit saglit, tugon ko sa sarili ko habang naghihintay ng oras ng pag-alis. Ngunit tulad ng mga dating pangyayari, bigo pa rin akong marating ito. Salamat sa lahat ng mga sumagot sa tanong ko nung akoy musmos pa lang. Ngayon naiintindihan ko na, na hindi pala malayong mangyari na lahat ng tao sa mundo ay maging sinungaling kung s murang edad pa lang ay dito ka na iminulat. Pero di naman ako tanga para talagang paniwalaan kayo. Sus!! Alam ko kaya kung nasan… Sa isang lugar na maaaring malamig o mainit, masikip o maluwang, nakahiga ka man, nakatayo o nakaupo, di na rin na kailangan pang lumayo. Sa tulad ko rin palang tao matatagpuan ang langit…
Alak pa!!!