padi ko sa bikol

Hulyo 10, 2007 at 2:23 hapon (para sa lahat)

mga padi harain na kamo?

mustah na? ano kamugtakan nyo?

sana nasa maray man kamo,

arog kang padi nyo, oni puro trabaho.

dae na ki oras maglakwatsa,

pagmata makaon na lang tas trabaho na.

dae na arog kan dati na warang ibang gibo,

kundi magtambay, mag-irinuman asin magloko.

iba na palan pagpinagalan mo na ang kwarta,

dae na pwede basta basta na gasta.

dae na pwede so dati na makating para magtambay,

ngunyan, bawas na sweldo, sermon kan amo na puno pa ki laway.

buli ni! kung pwede lang mudahon ang amo,

haloy na siguro akong dae trabaho.

harain na palan so mga chicks ta dyan?

dae n uso txmate, friendster na boi, maluya man.

siguro so iba tang tropa magurang na,

an iba naakian dae aram ang ama.

hala sige lang basta maogma,

dae naman ki makontra.

gurang ka na aram mo an sala asin tama,

gurang ka na para sermunan kan saimong ina’t ama.

mga padi kung makaromdom ka mo,

iyo man ligayon ang cell number ko.

ako so dating mong kaklase,

sako ika nangongopya, sako ka minarane.

dae ako ki pagbabago.

ako man ligayon ang lalaking namidbidan nyo.

kung sakaling makadalaw kamo,

ako bahala, mauran inumon nyo!

basta mga padi magsabi lang kamo,

kung kaya ko matabang ako.

sana mabilog gilayon ang tropa,

miss ko naman inuman asin kantahan ta.

ingat na lang kamo pirmi,

dae makalimot saimong mga padi.

Permakawing Mag-iwan ng Puna

ale…nasa langit na ba ako?

Hulyo 9, 2007 at 2:10 umaga (walang magawa)

 tanda ko pa ng pinakilala ka sakin,

nang isang kaibigan na walang ibang hangarin.

na sana tayo’y maging magkaibigan,

at di niya sinabi na ika’y aking ligawan.

pero masyado atang mapagbiro ang tadhana,

biruang nauwi sa ligawan, yun na nga!

pero di naging madali ang takbo,

nang relasyong ninais na mabuo.

away dito, selos dun,

away bati, parang laro.

hanggang sa lumipas ang ilan pang buwan,

nananatiling matatag kahit sa ulan.

minsan din namang tayong sinubukan,

pero di natinag, bawat isa ang sandalan.

kaya siguro medyo nakakatuwang balilkan,

mga pangyayari sati’y nagagawa nang tawanan.

ngayon maayos ang lahat,

me pumapapel, pero di pa sapat.

para buwagin ang relasyong itinaguyod,

ng pagsasamang puso ang nasunod.

kaya salamat sa pagmamahal mo,

pag-aalaga at pag-iisip na positibo.

na ang lahat ng tama ay may katumbas,

na kaligayang hanggang wakas.

sana walang nang magbago,

itsura, postura, estado ng buhay na lang siguro.

pero sa pag-ibig na nararamdaman,

manatili sana satin kailanman.

hihintayin kita sa kabilang mundo,

wag kang magmadali, nasa tabi mo lang ako.

binabantayan ka sa lahat ng iyong ginagawa,

ako na iyong anghel de la guardia.

 basta’t laging mong tatandaan,

ako pa rin ang iyong minahal na kasintahan.

ganun pa rin ang turing ko saiyo,

andito ka, nag-iisa saking puso.

 


Permakawing Mag-iwan ng Puna

refresh…

Hulyo 9, 2007 at 1:31 umaga (salita salita salita)

hinintay nyo ba pagbabalik ko,

salamat ok naman ako.

ito busog at pagod,

pagdating sa pagkain laging sugod.

buti na lang anjan mga tropa ko,

handang dumamay kung kailangan mo.

wow linya sa kanta yun ah,

hehehe…makata na, singer pa!

salamat aking mga kaibigan,

di pala kayo tulad ng iba jan.

sa maaus mo lang malalapitan,

sa kagipitan, taob ka! napag-iwanan.

panu ba yan mga katoto,

ako’y tinatawag na ni inday,…ang kama ko.

medyo antok at pagod na rin,

dame kasi work at nakain.

kaya hanggang dito na lang muli,

sana naman magawa mong sumilip kahit unti.

kahit wala kang komento sakin,

ok na yun atleast sumilip ka pa rin.

pero di ba mas masaya,

kung sasabihin mong gawa ko’y maganda.

kaya wag ka ng manghinayang sa oras,

papalitan ko naman iyan ng rosas.

rosas na gawa sa tula,

kakaiba iyong ikakatuwa.

paalaam………….

Permakawing Mag-iwan ng Puna

nakakagutom…

Hulyo 8, 2007 at 9:42 hapon (salita salita salita)

hayy…ito malapit nanaman matapos trabaho ko,

di pa rin ako kumakain kaya medyo hilo.

hirap pala kapag mag-isa ka sa bahay,

di rin pala ganun kasaya ang buhay.

kala ko pagmag-isa na ko ok na,

uu nga at walang ng problema.

kahit ano pwede kong gawin,

mambabae, magyosi, uminom kahit gin.

mali pala akala ko,

ngayon tuloy kumakalam sikmura ko.

hindi sa wala akong pambili,

putangna naman kasi.

iisa lasa ng tinda sa carenderia,

hinahanap ng lalamunan luto ni ina.

hayy..buhay kong ito ay boring,

kailangan pa bang ipagluto para makakain.

kung bakit kasi di ako nasanay kumain sa labas,

para ngayon di ko na iniisip to. MALAS!

sana matapos na oras ng trabaho,

ako’y magpapahinga’t maliligo.

bibili nanaman ng pagkaing ayaw ko,

para lang matanggal sakit ng tiyan na to.

baka me tira pa jan sa lamesa nyo,

padeliver mo naman saken promise babayaran ko.

baka kasi magkasinglasa luto ni ina at sainyo,

sige na please, gutom na ko..

aray…sakit na talaga,

di na kaya, ako’y suko na.

makapunta na nga sa carenderia,

pagtiisan mga ulam na alang lasa.

basta magkaron lang ng laman,

tiyan kong kumakalam.

hintayin mo na lang pagpost ko ulit maya,

kapag hindi na malamang ako’y namatay na.

buti pa pusa’t aso,

kahit ano pwede kainin kahit damo.

byers….

 

Permakawing Mag-iwan ng Puna

makatanako…?

Hulyo 8, 2007 at 7:50 hapon (para sa lahat)

magandang gabi mga katoto,

mag-uumpisa pa lang ako ng blog ko.

syempre kailangan ko munang magpakilala,

ako si meloi, hindi ako makata.

mga salitang magkakatono,

aking hilig gawin at bumuo.

di ko alam kung bakit,

basta hilig ko to wag kang makulit.

sabi nga nila gawa ka sa istilo mo,

kakaiba, may sense, wala ata ako nito.

nakakatawa pala rito,

kausap mo sarili mo.

swerte ko kung me magbabasa nito,

wala ng kwenta, masyado pang magulo.

pasensya na mga mare’t pare,

ito lang paraan ko ng pagbahagi.

ng mga pangyayari sa aking buhay,

masaya, malungkot, kahit walang saysay.

pero ok na rin siguro to,

para naman malibang ako.

malaman ng maraming tao,

sino si meloi, bakit siya gago?

ok na kaya ito,

para kasing kulang pa at malabo.

pero ok na to sa tingin ko,

una pa lang naman kaya lilow.

hanggang dito na lang muna ang dapat nyo malaman,

kasi…hmmm.hmmmmm…

KAILANGAN PA BANG IMEMORIZE YAN!!!

Permakawing Mag-iwan ng Puna