refresh…
hinintay nyo ba pagbabalik ko,
salamat ok naman ako.
ito busog at pagod,
pagdating sa pagkain laging sugod.
buti na lang anjan mga tropa ko,
handang dumamay kung kailangan mo.
wow linya sa kanta yun ah,
hehehe…makata na, singer pa!
salamat aking mga kaibigan,
di pala kayo tulad ng iba jan.
sa maaus mo lang malalapitan,
sa kagipitan, taob ka! napag-iwanan.
panu ba yan mga katoto,
ako’y tinatawag na ni inday,…ang kama ko.
medyo antok at pagod na rin,
dame kasi work at nakain.
kaya hanggang dito na lang muli,
sana naman magawa mong sumilip kahit unti.
kahit wala kang komento sakin,
ok na yun atleast sumilip ka pa rin.
pero di ba mas masaya,
kung sasabihin mong gawa ko’y maganda.
kaya wag ka ng manghinayang sa oras,
papalitan ko naman iyan ng rosas.
rosas na gawa sa tula,
kakaiba iyong ikakatuwa.
paalaam………….