lovelyf sa net

Agosto 20, 2007 at 10:59 hapon (para sa lahat)

nakahiligan ko na rin ang paggwa ng profile sa net (friendster, myspace, atbp). at ilathala ang buo kong katauhan. may ilang beses na rin akong nakipagligwan sa mga so called “friends” sa friends list. may ilan na ok, pero karamihan eh nauuwe sa wla. pero di ko na siguro makakalimutan ang isang bagay na muntik nang sumira sa buong pagkatao ko. isang pangyayari na sumira sa relasyong iningatan ko ng isang taon at tatlong buwan. at pangyayari na muntik na kong makapatay ng aso at pusa sa galit.ito ang kwento ko:

dati sa trabaho kapag wala akong ginagawa eh nakawilihan ko na ang mag-update ng profile sa friendster at myspace.kapag walng bagong message o comment nakakalungkot, kaya ang ginagawa koy naghahanap ako mga users na pdeng i-add sa so called “friendlist”. syempre bago mo i-add eh titignan m kauna unahan ang pics. yeah!! pag-ok, add. pero paghindi 50/50 ang chances…hehehe..d naman ako kagwapuhan pero namimili ako ng mga taong baka sakali at kung papalarin eh mameet ko ng personal at start something to konek.. ito na ngaun, sa myspace may isa akong bagong add na friend na maganda. di ko lam kung panu makakausap itong girl na to. kaya ginawa ko eh nagpadala ako ng message (hindi comment). tinanong ko kung pdeng mahingi ang ym nya.. mabait nmn sya at binigay nya. kaya yeah!!! nanaman..hehehe..chat kami, and bigayan ng number. nagkataon na were both sun cellular user (tipid too d max) kaya lage kame nag-uusap. masaya yung pag-uusap kahit medyo mataray sya magsalita at d makasakay sa mga korni kong jokes. may ilang linggo rin kaming nagkakilanlan. naisipan ko ngaung ligawan siya, kaso my bf na pla siya. so paganda ng image sabi ko ayoko maging dahilan ng pag-aaway nyo ng bf na ikinagalit naman nya dahil gusto na rin nyang makipaghiwalay sa bf nya dat tym. may mga ilang salita siyang sinabi na medyo kumurot sa damdamin ko kaya ilang buwan ang nakalipas na wala kaming koneksyon. sa di ko malamang kadahilanan eh nagtx siya saken. sumagot naman ako, at dun ulit nagsimula ang koneksyon. mas maganda na ngaun ang pag-uusap namin. masaya at this time naging gf ko na siya. tawag sa telepon, text sa telepon, comment sa profile, at chat ang naging paraan naman ng pag-uusap. masaya ko dahil gusto ko rin talaga siya at nung oras na yun eh handa na rin akong magseryoso. gumawa ngayon ako ng paraan para magkita kami at patunayan ng personal mga salitang narinig ko sakanya at ganun din saken.

unang pagkikita sana: SM MegaMall, parteng 3 ng hapon, di matandaang petsa.

hindi siya sumipot sa nasabing pagtatagpo dahil sa masama ang kanyang pakiramdam. ok lang, naiintindihan ko yun. ano ba naman yung maghintay ako ng mahigit 3 oras sa megamall ng mag-isa at gamitin ang oras ng pahinga ko sana sa pagbabakasakaling makita ka. resked ang unang pagkikita.

unang pagkikita na: Sa bahay nila, parteng 4 ng hapon, di ring matandaang petsa.

naglakas loob na ngayon akong puntahan siya sa bahay nila para wala na siyang excuses pa. ayos dahil wala nang kawala. yeah!!! sa hindi ko malamang kadahilan at sa tamang pagbibiro ng tadhana, ibang babae ang nakaharap ko, nakausap at nakasama.. babaeng malayo sa babaeng iniisip ko, iniimagine ko gabi gabi, napapanaginipan ko gabi gabi.. kung pde lang na gumuho yung bahay na tinutulayan namin nun eh. wala akong magawa nung mga oras na yun, pakiramdam ko kailangan kong galingan ang pag-arte at mapaniwala ko siya na wala saken kung malaman kong hindi pala ang babaeng iniisip ko ang makakasama ko. hindi ko dapat maipahalata na gusto ko siyang patayin nung mga oras na yun para makabawe man lang sa panloloko niya. d na ko makapalag sa sitwasyong kinalagyan ko. naipit na katawan ko ng dalawang malalaking bato, maay tali ang dalawang paa ko, at ang mga kamay ko’y naposas sa mga kamay nya. mabait naman ako kaya humarap ako sa mga kasambahay nya, klamyt nya at pinanindigan ang salitang “OO, GIRLFRIEND KO SIYA!!“… nagpakalasing ako nung gabing yun, naisin ko mang umalis ay di ko magawa dahil sa lalim ng gabi at unang beses ko pa lang mapadpad sa lugar na yun. nakatulog ako at gumising ng maaga para makauwe. inisip ko na ang nangyaring yun hindi dumaan sa buhay ko. itinulog ko sa bus ang galit na nararamdaman ko.. habang nagdarasal na sana hindi ka mapano sa mga bagay na nagawa mo.. sana mabasa mo to, maparating ko man lang sayo ang mensaheng ito….

potangnamowagkasanangtumabanghustoatbakasumabogangutakmoattumilamsiksadingdingngbahaynyo!”

1 Puna

  1. jen ay nagsabi,

    wow… kakaiba nga

    ——–

    thank you po s pagsilip, pag-aksaya ng oras, pagbsa at sa komento.. ;]

Magpaskil ng Puna