nasan ang langet???

Setyembre 21, 2007 at 8:21 hapon (Uncategorized)

Madalas kong itanong sa magulang ko, nakakatanda saken, mga kapitbahay, tiyo at tiya kung san talaga naroroon ang langet.. madalas din nilang sinasagot na “Sa ibabaw ulap matatagpuan ang langit!”. Matagal na naglalaro sa isip ko ang sagot sa tanong kong iyon. Madalas ko ring abangan sa mga pelikula ang eksenang magpapakita ng ulap baka kasi sakaling makita ko ang langit. Ngunit sawi akong makita ang sagot nila sa tanong ko. Kauuwe ko lang last week mula maynila. At sa pagkakataong ito erplen ang paraan ng transportasyong sasakyan ko. Sa wakas mararating ko na rin ang langit kahit saglit, tugon ko sa sarili ko habang naghihintay ng oras ng pag-alis. Ngunit tulad ng mga dating pangyayari, bigo pa rin akong marating ito. Salamat sa lahat ng mga sumagot sa tanong ko nung akoy musmos pa lang. Ngayon naiintindihan ko na, na hindi pala malayong mangyari na lahat ng tao sa mundo ay maging sinungaling kung s murang edad pa lang ay dito ka na iminulat. Pero di naman ako tanga para talagang paniwalaan kayo. Sus!! Alam ko kaya kung nasan… Sa isang lugar na maaaring malamig o mainit, masikip o maluwang, nakahiga ka man, nakatayo o nakaupo, di na rin na kailangan pang lumayo. Sa tulad ko rin palang tao matatagpuan ang langit…

Alak pa!!!

Magpaskil ng Puna