There’s no place like home
Mahigit isang taon din akong nalayo sakin pamilya, kaibigan, kamag-anak, kabatak, katambayan, dating kaeskwela, tropa, kainuman at mga taong malapit saken. Isang taon din akong nagtiis sa mga bagay na di ko nakasanayan gawin at bagay na di ko dapat ginagawa. Isang taon akong nagtiyaga para marating ang anumang kinalalagyan ko ngayon. At sa wakas, sa loob ng mahigit sa isang taon ay nakabalik at nakauwe na ko sa lugar na aking kinagisnan. Lugar na nagmulat ng mga bagay bagay. Lugar san akong tinubuan ng sungay at natutong manuwag, lumaban sa hamon ng pagkakataon. Ang aking tirahan, sa wakas andito na kong muli. Kwarto ko, salamat at di ka p rin nagbabago. Magulo ka pa rin at marumi. Sa aparador ko, salamat din dahil walang kang pinagbago. Wala ka na ngang masyadong laman, ang gulo pa rin ng dating mo. Salamat, salamat, salamat….. Ngayong narito ko, di na tayo muling maghihiwalay. Kung namis mo ang pagdadala ko ng babae at paggawa ng kalokohan, hayaan nyot magpapahinga ako saglit at muli nating gagawin ang mga bagay na nagpasaya saten nun. Umasa kayo na mas malupet, mas matindi, at mas magagaling ang ipakikita ko sainyo… Salamat kwarto ko!!!