Talo pa ang “KOREANOBELA”!

Nobyembre 26, 2007 at 9:14 hapon (Uncategorized)

alam nyo na ba ang bagong kinahuhumalingan ng mga tao ngayon? ang bagong pinakaaantabayanan? ang pinakapinagkakaguluhan? laman ng bawat usapan, inuman, chikahan at katsismisan? kung di mo pa nababalitaan ito, kawawa ka. nahuhuli ka na sa balita. taga sang planeta ka ba galing? aba aba aba…. subukan mo namang manood ng RADYO, makinig sa DYARYO at magbasa ng TV! dahil sa mga oras na to ay malamang na pinagtatawanan ka na ng pinagtatanongan mo! ge ge ge.. sasabihin ko na para di ka naman magmukang tanga. magkaron man lang ng kabuluhan ang pananatili mo sa lupa..Sssshhhhh.. wag maingay at makinig…

ang bagong love triangle ng taon! kinabibilangan ng mga malulupet sa hagupit! matitikas na dating! nakakakabang mga pangyayari! im proud to present; “LANDO“, “MINA” at “NONOY“. balitang balita na ang pagbabalik ni “LANDO” sa bansa. mula sa bansang Vietnam kung san siya pinagkaguluhan at maging dito sa ating bansa nang itoy makadalaw gawa ng kanyang asian tour.  muli itong nagbabadya ng pagbalik. muling pananalasa matapos ang matagumpay na pagdaan ng diumanoy love interest nitong si “MINA“. subalit napapabalita rin ang pagkakasabay nila nang nagngangalang “NONOY” na bagong napapabalitang naghahabol din kay “MINA“, ayon na rin sa ulat na nagmula pa sa “PAG-ASA“.

tama ka kaibigan sayong mga nabasa. 3 bagyo ang kinatatakutang magsabay-sabay na manalasa sa ating bansa bago matapos ang taon. ito ay ayon na rin sa aking mga napanood, nabasa at naring. ibayong pag-iingat po at paghahanda ang kaialangan sa mga panahong ito. wag rin sana nateng kalimutan ang magdasal.

 

sabi nga ni kuya kim,

 

WALANG SAKUNA SA PAMILYANG LAGING HANDA“!!!

 

babay…………

 

Permakawing Mag-iwan ng Puna

tama na po?? suko na ko…

Nobyembre 23, 2007 at 8:44 hapon (Uncategorized)

kelan nyo ba kami titgilan?? inaano ba namin kayo? kung tutuusin dapat pa kayong magpasalamat samin dahil sa libreng tirahan, pagkain at mga pangangailan nyong naibibigay namin… kung may nagawa man kaming kasalanan, sori na!!!! patawarin nyo na kami.. tigilan nyo na ang pamilya ko.. maga na ang buong katawan namin sa pagpapahirap nyo..

tangenang lamok to..binigyan mo ng tirahan mangangat pa.. shet!!! puro pantal na katawan ko…

Permakawing Mag-iwan ng Puna

taena!!!magpakita ka!!!

Nobyembre 23, 2007 at 8:37 hapon (para sa lahat)

maganda ang gabi ko last monday dahil na ka 2 round ako sa FF ko (for the first time). medyo masama ang gising dahil sa biglang pagsulpot ng ng pinsan ko. nagpapasama sa mall para mapaactivate ang gprs at maitanong na rin kung panu gamitin ang cp bilang modem. ayos na lahat kung di ko nabalitaan ang iyong pagdating sa week na to, kinain mo pa day off ko. shet! di mo ba alam n sa thursday ang day off ko at yun lang ang nag-iisang araw sa loob ng isang linggo para aliwin ko ang sarili ko (uminom, magakwatsa at isakatuparan ang mga plano). pero ano, ikinilat mo pa ang pagdating mo para kahit pilitin kong makalabas eh wala akong makakasama dahil sayo. nanalo ka dahil di ako nakalabas kahapon, wala akong naisakatuparan sa mga plano ko, at magbabayad ka dahil dito. nananadya ka ba? di pa rin ako makalabas dahil iniisip kong sa anumang oras e dumating ka na di ako handa sa mga pag-atake mo. at di ka pa nasiyahan, nagawa mo bang magbrown out samin at ito ako ngayon nasa loob akong kwarto ko. nagtiyatiyaga sa madilim, malamok at walang buhay na lugar na to. di ko pa rin magawang lumabas at kahit pilitin kong lumabas ngayon malamang nanay ko na ang pipigil saken. alam mo ba kung ganu mo ko pinahihirapan, pati pamilya at mga kaibigan ko dinamay mo pa.. ano??? kelan ka ba talaga darating?? handa na ako!!!!!

para sa mga kababayan kong nasa bikol din, ingat po tayo… hanggang ngayon eh wala pa ring paramdam si “MINA“. mukhang nagbabadya sya ng masamang gabi.. lets pray na hindi matulad sa kumare nyang si “REMING” ang dala dala nyang pinsala…..

God bless us all

Permakawing Mag-iwan ng Puna