taena!!!magpakita ka!!!
maganda ang gabi ko last monday dahil na ka 2 round ako sa FF ko (for the first time). medyo masama ang gising dahil sa biglang pagsulpot ng ng pinsan ko. nagpapasama sa mall para mapaactivate ang gprs at maitanong na rin kung panu gamitin ang cp bilang modem. ayos na lahat kung di ko nabalitaan ang iyong pagdating sa week na to, kinain mo pa day off ko. shet! di mo ba alam n sa thursday ang day off ko at yun lang ang nag-iisang araw sa loob ng isang linggo para aliwin ko ang sarili ko (uminom, magakwatsa at isakatuparan ang mga plano). pero ano, ikinilat mo pa ang pagdating mo para kahit pilitin kong makalabas eh wala akong makakasama dahil sayo. nanalo ka dahil di ako nakalabas kahapon, wala akong naisakatuparan sa mga plano ko, at magbabayad ka dahil dito. nananadya ka ba? di pa rin ako makalabas dahil iniisip kong sa anumang oras e dumating ka na di ako handa sa mga pag-atake mo. at di ka pa nasiyahan, nagawa mo bang magbrown out samin at ito ako ngayon nasa loob akong kwarto ko. nagtiyatiyaga sa madilim, malamok at walang buhay na lugar na to. di ko pa rin magawang lumabas at kahit pilitin kong lumabas ngayon malamang nanay ko na ang pipigil saken. alam mo ba kung ganu mo ko pinahihirapan, pati pamilya at mga kaibigan ko dinamay mo pa.. ano??? kelan ka ba talaga darating?? handa na ako!!!!!
para sa mga kababayan kong nasa bikol din, ingat po tayo… hanggang ngayon eh wala pa ring paramdam si “MINA“. mukhang nagbabadya sya ng masamang gabi.. lets pray na hindi matulad sa kumare nyang si “REMING” ang dala dala nyang pinsala…..
God bless us all