Talo pa ang “KOREANOBELA”!

Nobyembre 26, 2007 at 9:14 hapon (Uncategorized)

alam nyo na ba ang bagong kinahuhumalingan ng mga tao ngayon? ang bagong pinakaaantabayanan? ang pinakapinagkakaguluhan? laman ng bawat usapan, inuman, chikahan at katsismisan? kung di mo pa nababalitaan ito, kawawa ka. nahuhuli ka na sa balita. taga sang planeta ka ba galing? aba aba aba…. subukan mo namang manood ng RADYO, makinig sa DYARYO at magbasa ng TV! dahil sa mga oras na to ay malamang na pinagtatawanan ka na ng pinagtatanongan mo! ge ge ge.. sasabihin ko na para di ka naman magmukang tanga. magkaron man lang ng kabuluhan ang pananatili mo sa lupa..Sssshhhhh.. wag maingay at makinig…

ang bagong love triangle ng taon! kinabibilangan ng mga malulupet sa hagupit! matitikas na dating! nakakakabang mga pangyayari! im proud to present; “LANDO“, “MINA” at “NONOY“. balitang balita na ang pagbabalik ni “LANDO” sa bansa. mula sa bansang Vietnam kung san siya pinagkaguluhan at maging dito sa ating bansa nang itoy makadalaw gawa ng kanyang asian tour.  muli itong nagbabadya ng pagbalik. muling pananalasa matapos ang matagumpay na pagdaan ng diumanoy love interest nitong si “MINA“. subalit napapabalita rin ang pagkakasabay nila nang nagngangalang “NONOY” na bagong napapabalitang naghahabol din kay “MINA“, ayon na rin sa ulat na nagmula pa sa “PAG-ASA“.

tama ka kaibigan sayong mga nabasa. 3 bagyo ang kinatatakutang magsabay-sabay na manalasa sa ating bansa bago matapos ang taon. ito ay ayon na rin sa aking mga napanood, nabasa at naring. ibayong pag-iingat po at paghahanda ang kaialangan sa mga panahong ito. wag rin sana nateng kalimutan ang magdasal.

 

sabi nga ni kuya kim,

 

WALANG SAKUNA SA PAMILYANG LAGING HANDA“!!!

 

babay…………

 

Magpaskil ng Puna