taena!!!magpakita ka!!!
maganda ang gabi ko last monday dahil na ka 2 round ako sa FF ko (for the first time). medyo masama ang gising dahil sa biglang pagsulpot ng ng pinsan ko. nagpapasama sa mall para mapaactivate ang gprs at maitanong na rin kung panu gamitin ang cp bilang modem. ayos na lahat kung di ko nabalitaan ang iyong pagdating sa week na to, kinain mo pa day off ko. shet! di mo ba alam n sa thursday ang day off ko at yun lang ang nag-iisang araw sa loob ng isang linggo para aliwin ko ang sarili ko (uminom, magakwatsa at isakatuparan ang mga plano). pero ano, ikinilat mo pa ang pagdating mo para kahit pilitin kong makalabas eh wala akong makakasama dahil sayo. nanalo ka dahil di ako nakalabas kahapon, wala akong naisakatuparan sa mga plano ko, at magbabayad ka dahil dito. nananadya ka ba? di pa rin ako makalabas dahil iniisip kong sa anumang oras e dumating ka na di ako handa sa mga pag-atake mo. at di ka pa nasiyahan, nagawa mo bang magbrown out samin at ito ako ngayon nasa loob akong kwarto ko. nagtiyatiyaga sa madilim, malamok at walang buhay na lugar na to. di ko pa rin magawang lumabas at kahit pilitin kong lumabas ngayon malamang nanay ko na ang pipigil saken. alam mo ba kung ganu mo ko pinahihirapan, pati pamilya at mga kaibigan ko dinamay mo pa.. ano??? kelan ka ba talaga darating?? handa na ako!!!!!
para sa mga kababayan kong nasa bikol din, ingat po tayo… hanggang ngayon eh wala pa ring paramdam si “MINA“. mukhang nagbabadya sya ng masamang gabi.. lets pray na hindi matulad sa kumare nyang si “REMING” ang dala dala nyang pinsala…..
God bless us all
OHHHH…CTOBEERFEST NA!!!!
Malapit na ang buwan ng mga manginginom! Buwan ng mga sunog baga, adik sa alak, mga yosi kadiri in short araw namin ng trop ko. bwahahahaaha(tawang demonyo). Araw na mataas ang percentage na dumami nanaman ang populasyon ng pilipinas o mabawasan o. mabawasan dahil sa away at patayang maaaring mangyari dulot ng sobrang inom ng mga hayok sa alak, mga walang patawad sa katawan. dadagdag dahil sa sobrang kalasingan at lamig ng panahon, nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa bawat isa. puno nanaman ang SOGO nyan…bwahahha.. masarap talaga ang mga gantong kapistahan o pangmalawakang okasyon, di tulad ng rally na dulot ay trapik at minsan sakitan. dito marami ang nasisiyahan. kaya di mo ko mapapaniwala na mahirap ang mga pinoy.PAKSHET!!! panu nakabili ng alak mga yan kung walang pera? mas mataas ang posibilidad na kesa kumain sila ay iinom na lang. lasing ka na, busog ka pa.. at may take out pa kung papalarin. di ba package deal ang dating. hehehe.. kaya hanggat maaga eh nag-aaya na ako.. kung sino man sainyo ang gabi-gabing inom, parang awa nyo na. idamay nyo ko.. sagot ko ang patawa, sagot nyo alak, yosi, pulutan at babae.. wag nyong kakalimutan ang huling nabanggit, jan kasi manggagaling ang inspirasyon nyong malasing at magpakalasing… at para naman sa lahat ng mag-aaya saken para painumin ko, ito lang masasabi ko sainyo. tandaan at ipakatanim sa kokote mong malakulangot sa laki at lagkit sa kulit.
“HINDI KAYO MAWAWALAN……
…….
…….
…….
…….
……
HINDI RIN KAYO MAGKAKARON….”
TAGAYTAY GHOST STORY!!!
This story happened a few months ago
along the Ridge Road in Tagaytay.
There was a guy who got left behind by a pack
of mountain bikers. The group was
large and he didn’t bring a cellphone.
He crashed his bike somewhere
between Picnic Grove and DBP. To make things
worse, a storm came in. So he walked.
This guy was on the side of the road
hitch hiking on a very dark night
in the middle of a storm. The night
passed slowly and no cars went by.
The storm was so strong he could hardly
see a few meters ahead of him.
Suddenly, just before the junction
going to Manila , he saw a car slowly
looming, ghostlike, out of the gloom.
It slowly crept toward him and
stopped. It was raining hard, wind
blowing all around you, what would
you do? Like you would, he got into the
car and closed the door, then
realized that there was nobody inside
the car…. even in the drivers seat.
The car slowly started moving again.
The guy was terrified, too scared
to think of jumping out and running.
The guy saw that the car was slowly
approaching a sharp curve. The guy
started to pray, begging for his
life; he was sure the ghost car would
go off the road and he would plunge
to his death, when just before the
curve, a hand appeared through the
window and turned the steering wheel,
guiding the car safely around the
bend.
Terrified, the guy watched the hand
reappear every time they reached a
curve. Finally, the guy gathered his
wits and leaped from the car and ran
to the nearest place where there were
houses.
Wet and in shock, he went into a store
and voice quavering, ordered two
bottles of beer, and told the people
about his horrible, supernatural
experience. A silence enveloped
everybody when they realized the guy was apparently
sane and not drunk.
About half an hour later two guys
walked into the same store.
One said to the other……….
“Yan! Yan yung tarantadong sumakay
habang nagtutulak tayo…”
….kung sino man ang may-akda nito maraming salamat sayo.. binuhay mo ang dugo ko… isa kang henyo, medyo tumindig balahibo ko pero sa huli magkakanda tae ako sa kakatawa… taas noo ako sa gawang Pilipino..
“GREAT MIND, GREAT BEER!!!” —-huwaaaaaaattttt……!!!!!
morning prayer
Dear God,
Good morning pare. good morning ex-girlfriend. good morning sigarilyo. good morning ibon, aso, pusa at manok. good morning manong drayber. good morning sa taong nagtotong-it pa at di pa natutulog. good morning sa naglalaba na inabot ng umaga dahil sa tubig na dumarating ng madaling araw at mawawala din bago dumating ang alas-6 ng umaga. good morning sa tiyahin kong magsusumbong sa magulang ko. sa tiyuhin kong di raw sanay na makita akong maaga dahil tanghali na daw akong nagigising good morning din. sa suki kong tindahan ng sigarilyo at softdrinks good morning ate. sa kaibigan na ewan kung kaibigan talaga good morning na rin sayo potangna mo. at sayo po papa Jesus, magandang masiglang masaganang umaga. Inaantok na po ako kaya matutulog muna ko.. good morning!!!!
AMEN
pre kaya mo ba to?
kaya mo ba toh? wala ka pala eh.. pakshet bakit kailangan mong magyabang saken ng mga karanasan mo. alam naman naten na mas matanda ka saken syempre lage ka nang lamang sa karanasan. marami ka nang pinagdaan eh ako pausbong pa lang. kung demonyo tayo eh buong buo, patulis at kumukorba na sungay mo samantalang ako eh patubo pa lang. parang bukol pa lang sa noo ko. kaya di na siguro dapat na pantayan pa kita at pagyabang mo pa ko. pero nasubukan mo naman ako di ba? nung minsang sinama kita sa lakad ko. nakita mo istilo ko. nakita mo pamamaraan ko, nagawa ko pang ipamuka sayo na iba ang kaledad mo sa kaledad ko. hindi porke bata ako eh magpapahuli ako sa mundong ginagalawan naten. isa man ang landas at ikot ng bituka naten iba ka pa rin saken at iba pa rin ako sayo. ngayon para di tayo makabastusan at malawang galang na, itigil mo na pagyayabang mo. matanda ka na, make your lil time worthed kaysa ubusin mo sa pagyayabang. bilang na ang araw mo balang araw maiisip mo na sana pala di ako yung pinagyabang mo.. wala ka pa rin saken insan. ito lang masasabi ko sayo and want you to read my lips!!!
“EAT MY DUST!!!!”
magbalik ka na dating ako
nakakapagod ang 2 linggo ko. wala pa ring nangyari sa 2 linggong pagpupuyat. ito at magsisimula nanaman ako sa aking trabaho ng wala pang maaos at kompletong tulog. di ko nrin naman alam kung bakit di ko mapigilan ang sarili ko. am i really this desperate?..sana naman hindi. naubos ko na ang 2 buwang sahod ko, wala pa akong napapadala sa magulang ko at nagkautang pa ako sa kapatid ko. di ko lam kung ano nangyari saken. talo ko pa adik na di makatulog at di mapalagay kapag di nakatira. kung makatira man ay di pa rin sapat. ewan ko ba? have to change the way i get thru the day. i guess being happy (inuman at babae) wont help. i just need to get to myself like before i used to. kung wala magawa sa gabi, go turn the laptop on,play some games till my eyes get teary of being sleepy or pumunta sa kanto, tumambay, bumili ng yosi at softdrinks at hintaying dalawin ng antok at matulog. na enjoy ko na ang gabi, di pa ako gaanong nagkagastos. sana mabalik ko ang dating ako. ako na kontento sa konting bagay na meron at di na naghahangad ng mas malaking bagay pa.
have to work now. tignan ko na lang maya kung kaya kong ibalik.. sayang kasi eh…heheehe
(nanghihinayang pala sa mga gabing lasing at may nakaka..eheeeemmmm)
3 gabing malas, kapalit ay isang gabing himas…
hinihintay ko na lang na matapos time ko sa trabaho at magbabasakali akong muli. na baka ngayong gabi na ang hinihintay kong pagkakataon..alin sa dalawa, mauwe sa pang 4 na gabing malas o matuloy ang kinaaasam na isang gabing himas..bwahahaha…parang awa mo na, mahigit 2 linggo na akong ganto..isang gabi lang naman ang hinihiling ko kaya pagkabigyan mo na ko..please please please….
balimbing na kaisipan
ilang araw na rin akong di nakapagsulat ulit dito. d ko kasi alam kung maganda ba mga nagawa ko. pero everytime na magbabasa ako ng blog ng iba (lalo na blog ni sir jon carbon) eh naiinspire, naiinggit, nanggagalaiti sa galit dahil ang gaganda ng post nila. pero wala saken yun, may mga tao talagang biniyayaan ng kagalingan sa gantong bagay. malas ko lang kasi nagsabog ng kagalingan sa paggwa ng blog ang Dyos, eh nagpayong ako.. pero ok na rin kahit papano eh nakakagwa ako ng not-so-magandang post. at isa pa nga pala, papapalitan ko na rin ang papamaraan ko ng paggwa ng blog, hirap kasi ng tula, madalas na inuulit ko ang salita para tumogma. kaya dito na lang ako sa blog na wlang tono kahit di ko lam kung ano ang pinagsasabi ko eh, bahala na kayo..hehehe..
lovelyf sa net
nakahiligan ko na rin ang paggwa ng profile sa net (friendster, myspace, atbp). at ilathala ang buo kong katauhan. may ilang beses na rin akong nakipagligwan sa mga so called “friends” sa friends list. may ilan na ok, pero karamihan eh nauuwe sa wla. pero di ko na siguro makakalimutan ang isang bagay na muntik nang sumira sa buong pagkatao ko. isang pangyayari na sumira sa relasyong iningatan ko ng isang taon at tatlong buwan. at pangyayari na muntik na kong makapatay ng aso at pusa sa galit.ito ang kwento ko:
dati sa trabaho kapag wala akong ginagawa eh nakawilihan ko na ang mag-update ng profile sa friendster at myspace.kapag walng bagong message o comment nakakalungkot, kaya ang ginagawa koy naghahanap ako mga users na pdeng i-add sa so called “friendlist”. syempre bago mo i-add eh titignan m kauna unahan ang pics. yeah!! pag-ok, add. pero paghindi 50/50 ang chances…hehehe..d naman ako kagwapuhan pero namimili ako ng mga taong baka sakali at kung papalarin eh mameet ko ng personal at start something to konek.. ito na ngaun, sa myspace may isa akong bagong add na friend na maganda. di ko lam kung panu makakausap itong girl na to. kaya ginawa ko eh nagpadala ako ng message (hindi comment). tinanong ko kung pdeng mahingi ang ym nya.. mabait nmn sya at binigay nya. kaya yeah!!! nanaman..hehehe..chat kami, and bigayan ng number. nagkataon na were both sun cellular user (tipid too d max) kaya lage kame nag-uusap. masaya yung pag-uusap kahit medyo mataray sya magsalita at d makasakay sa mga korni kong jokes. may ilang linggo rin kaming nagkakilanlan. naisipan ko ngaung ligawan siya, kaso my bf na pla siya. so paganda ng image sabi ko ayoko maging dahilan ng pag-aaway nyo ng bf na ikinagalit naman nya dahil gusto na rin nyang makipaghiwalay sa bf nya dat tym. may mga ilang salita siyang sinabi na medyo kumurot sa damdamin ko kaya ilang buwan ang nakalipas na wala kaming koneksyon. sa di ko malamang kadahilanan eh nagtx siya saken. sumagot naman ako, at dun ulit nagsimula ang koneksyon. mas maganda na ngaun ang pag-uusap namin. masaya at this time naging gf ko na siya. tawag sa telepon, text sa telepon, comment sa profile, at chat ang naging paraan naman ng pag-uusap. masaya ko dahil gusto ko rin talaga siya at nung oras na yun eh handa na rin akong magseryoso. gumawa ngayon ako ng paraan para magkita kami at patunayan ng personal mga salitang narinig ko sakanya at ganun din saken.
unang pagkikita sana: SM MegaMall, parteng 3 ng hapon, di matandaang petsa.
hindi siya sumipot sa nasabing pagtatagpo dahil sa masama ang kanyang pakiramdam. ok lang, naiintindihan ko yun. ano ba naman yung maghintay ako ng mahigit 3 oras sa megamall ng mag-isa at gamitin ang oras ng pahinga ko sana sa pagbabakasakaling makita ka. resked ang unang pagkikita.
unang pagkikita na: Sa bahay nila, parteng 4 ng hapon, di ring matandaang petsa.
naglakas loob na ngayon akong puntahan siya sa bahay nila para wala na siyang excuses pa. ayos dahil wala nang kawala. yeah!!!… sa hindi ko malamang kadahilan at sa tamang pagbibiro ng tadhana, ibang babae ang nakaharap ko, nakausap at nakasama.. babaeng malayo sa babaeng iniisip ko, iniimagine ko gabi gabi, napapanaginipan ko gabi gabi.. kung pde lang na gumuho yung bahay na tinutulayan namin nun eh. wala akong magawa nung mga oras na yun, pakiramdam ko kailangan kong galingan ang pag-arte at mapaniwala ko siya na wala saken kung malaman kong hindi pala ang babaeng iniisip ko ang makakasama ko. hindi ko dapat maipahalata na gusto ko siyang patayin nung mga oras na yun para makabawe man lang sa panloloko niya. d na ko makapalag sa sitwasyong kinalagyan ko. naipit na katawan ko ng dalawang malalaking bato, maay tali ang dalawang paa ko, at ang mga kamay ko’y naposas sa mga kamay nya. mabait naman ako kaya humarap ako sa mga kasambahay nya, klamyt nya at pinanindigan ang salitang “OO, GIRLFRIEND KO SIYA!!“… nagpakalasing ako nung gabing yun, naisin ko mang umalis ay di ko magawa dahil sa lalim ng gabi at unang beses ko pa lang mapadpad sa lugar na yun. nakatulog ako at gumising ng maaga para makauwe. inisip ko na ang nangyaring yun hindi dumaan sa buhay ko. itinulog ko sa bus ang galit na nararamdaman ko.. habang nagdarasal na sana hindi ka mapano sa mga bagay na nagawa mo.. sana mabasa mo to, maparating ko man lang sayo ang mensaheng ito….
“potangnamowagkasanangtumabanghustoatbakasumabogangutakmoattumilamsiksadingdingngbahaynyo!”
padi ko sa bikol
mga padi harain na kamo?
mustah na? ano kamugtakan nyo?
sana nasa maray man kamo,
arog kang padi nyo, oni puro trabaho.
dae na ki oras maglakwatsa,
pagmata makaon na lang tas trabaho na.
dae na arog kan dati na warang ibang gibo,
kundi magtambay, mag-irinuman asin magloko.
iba na palan pagpinagalan mo na ang kwarta,
dae na pwede basta basta na gasta.
dae na pwede so dati na makating para magtambay,
ngunyan, bawas na sweldo, sermon kan amo na puno pa ki laway.
buli ni! kung pwede lang mudahon ang amo,
haloy na siguro akong dae trabaho.
harain na palan so mga chicks ta dyan?
dae n uso txmate, friendster na boi, maluya man.
siguro so iba tang tropa magurang na,
an iba naakian dae aram ang ama.
hala sige lang basta maogma,
dae naman ki makontra.
gurang ka na aram mo an sala asin tama,
gurang ka na para sermunan kan saimong ina’t ama.
mga padi kung makaromdom ka mo,
iyo man ligayon ang cell number ko.
ako so dating mong kaklase,
sako ika nangongopya, sako ka minarane.
dae ako ki pagbabago.
ako man ligayon ang lalaking namidbidan nyo.
kung sakaling makadalaw kamo,
ako bahala, mauran inumon nyo!
basta mga padi magsabi lang kamo,
kung kaya ko matabang ako.
sana mabilog gilayon ang tropa,
miss ko naman inuman asin kantahan ta.
ingat na lang kamo pirmi,
dae makalimot saimong mga padi.