para sayo crush
S – san ka makakakita?
ng babaeng kakaiba ang ganda.
0 – oo ngat dating eh suplada.
pero teka pre, di mo naman siya kilala.
P - paki tignan at intindihin,
mga salitang iyong sasabihin.
H - huwag sanang maging mapaghusga,
sa mga taong iyong nakikita.
I - ikaw din ang magkakaproblema
sa babaeng sinasabi mong suplada.
E – Eh maraming taong nagmamahal jan,
saken pa lang baka ikaw ay tamaan
kaya iwasan naten ang manghusga
sa tong di naten kilala.
komento mo ay kailangan,
pero intindihin at pakaingatan.
na walang taong masasaktan at maaapakan,
alam mo na yun, wag pairalin katangahan.
para sayo yan sophya,
tula ng isang humahanga.
di mo rin kailangan magkomento,
ayos na saken na nasabi ko to.
crush kumstah ka?
Panibagong araw nanaman to. panibagong araw para makita kang muli at malaman kung may bago ba sayo. di na siguro kompleto araw ko kung di kita makikita. adik na ata ako sayo.. yun nga lang. ayokong malaman mo to dahil alam ko dun magsisimula ang pagguho ng nag-iisang pangarap ko.. heehe. kaya nga kahit makita ka lang ok na para saken. malaman kong ok ka at walang dinadamdam eh sobrang kaligayahan na saken. at para sa mga susunod na araw eh sana ganun pa rin.. lage kang ok at masaya. kahit medyo busy ako sa trabaho eh di ko magagawang di alamin ang sitwasyon mo.. kaw pa? lakas ka saken.. panu ba nyan work muna ko ulit. sana maya pagmay free time ulit ako eh online ka pa rin at makita ko ulit mga pics mo sa net..
refresh…
hinintay nyo ba pagbabalik ko,
salamat ok naman ako.
ito busog at pagod,
pagdating sa pagkain laging sugod.
buti na lang anjan mga tropa ko,
handang dumamay kung kailangan mo.
wow linya sa kanta yun ah,
hehehe…makata na, singer pa!
salamat aking mga kaibigan,
di pala kayo tulad ng iba jan.
sa maaus mo lang malalapitan,
sa kagipitan, taob ka! napag-iwanan.
panu ba yan mga katoto,
ako’y tinatawag na ni inday,…ang kama ko.
medyo antok at pagod na rin,
dame kasi work at nakain.
kaya hanggang dito na lang muli,
sana naman magawa mong sumilip kahit unti.
kahit wala kang komento sakin,
ok na yun atleast sumilip ka pa rin.
pero di ba mas masaya,
kung sasabihin mong gawa ko’y maganda.
kaya wag ka ng manghinayang sa oras,
papalitan ko naman iyan ng rosas.
rosas na gawa sa tula,
kakaiba iyong ikakatuwa.
paalaam………….
nakakagutom…
hayy…ito malapit nanaman matapos trabaho ko,
di pa rin ako kumakain kaya medyo hilo.
hirap pala kapag mag-isa ka sa bahay,
di rin pala ganun kasaya ang buhay.
kala ko pagmag-isa na ko ok na,
uu nga at walang ng problema.
kahit ano pwede kong gawin,
mambabae, magyosi, uminom kahit gin.
mali pala akala ko,
ngayon tuloy kumakalam sikmura ko.
hindi sa wala akong pambili,
putangna naman kasi.
iisa lasa ng tinda sa carenderia,
hinahanap ng lalamunan luto ni ina.
hayy..buhay kong ito ay boring,
kailangan pa bang ipagluto para makakain.
kung bakit kasi di ako nasanay kumain sa labas,
para ngayon di ko na iniisip to. MALAS!
sana matapos na oras ng trabaho,
ako’y magpapahinga’t maliligo.
bibili nanaman ng pagkaing ayaw ko,
para lang matanggal sakit ng tiyan na to.
baka me tira pa jan sa lamesa nyo,
padeliver mo naman saken promise babayaran ko.
baka kasi magkasinglasa luto ni ina at sainyo,
sige na please, gutom na ko..
aray…sakit na talaga,
di na kaya, ako’y suko na.
makapunta na nga sa carenderia,
pagtiisan mga ulam na alang lasa.
basta magkaron lang ng laman,
tiyan kong kumakalam.
hintayin mo na lang pagpost ko ulit maya,
kapag hindi na malamang ako’y namatay na.
buti pa pusa’t aso,
kahit ano pwede kainin kahit damo.
byers….