tips para sa masagang luvlyf sa year 2008

Disyembre 29, 2007 at 7:54 hapon (Uncategorized)

para sa mga walang luvlyf ngaung magpapalit ang taon. at sa mga nagbabakasali na swerterhin sa taon ng 2008 ito ang mga ilang bagay na maaari nyong sundin para sa masaganang luvlyf. ito ay mula sa aking psychic side.
1. mahahabang strayt na buhok – madalas kasing gwing pangtago ng muka ng mga ito ang kanilang buhok. ingat sa kanila.
2. masyadong gwapo – marami ka nang kaagaw, mhirap malingat.

3. mapuputi - kadalasan bading. baka mapagbintangang barkada mong bading. lolz

4. walang trabaho – hindi ka naman bumibili ng boypren di ba?

5. hindi nag-aaral – tulad ng walang trabaho, pala yan.

6. mayayaman – kaya nilang palitan ka ng isang oras lang o wala pa.

7. di marunong magbiro – mas masaya kasama ang kwela kesa sa pacute na walang kwenta.

ito ay ilang lang sa mga nasesense kong dapat iwasan. at para magkaron kayo ng magandang ideya kung sino ang nararapat para sayo sa taong 2008, ito ay ilan sa aking mga karakter:

1. kulot ako – nagpakulot ako ksi nagawa ko na yong  pagtago ng muka nung long hair pa ko. nagbago na ko (malambing  na boses)

2. di ako gwapo di rin panget – ako’y iyo at ikay aking lamang.

3. moreno – moreno ang kulay ko. Richard Gomez ang dating! matipuno! (try mong kumontra!!!)

4. site admin – yan ang aking trabaho. simple lang pero di  ka mapapahiya sa mga prends mo at parents mo.

5. BSCOE – yan ang aking tinapos. ilang taon kong pinaghirapan ang aking pag-aaral.

6. katamtaman – estado ng buhay. di mayaman, di rin mahirap. tama lang. bagay kanino man!

7. joker – masarap kausap! masayang kasama! friendly. although im a joker, im not a lier!!!

maganda na sigurong balangkas ng dapat mong maging boypren ang mga ito. magiging madali na lang para sayo ang magkaboypren. maaari mo ring hingin ang number ko para sa ibang detalye ng aking mga katangian. hahaha. hihintayin kita. sana maging tayo na.

Permakawing Mag-iwan ng Puna

wholesome ako!!!!

Disyembre 29, 2007 at 7:00 hapon (Uncategorized)

ohh ahh.. bakit ka ganyan?bakit gustong gusto mo akong nanghihina matapos ang isang mahabang pagsasama na kadalasan ay taung dalawa lng. minsan nga gusto mo pa sa harap ng maraming tao. di ko alm ang iyong dahilan. lalo na kapag sinimulan na kitang dilaan. di ko rin mapigilan ang aking sarili, paghawak na kita dalawa mong paa. at didilaan kita mula taas hanggang baba. ohh anong sarap na ginagwa ko to sau ng mabilis mabagal. minsan di ko mapigilan nakakagat kita. sori ha. di ko ksi mapigilan ang sarap na nararamdaman ko. kung pwedeng araw araw sana naten gawin un. kaso alm mo naman ang dahilan. pero kung makakakuha ulit akong oras, ikaw ang unang kong pupuntahan. o kaya magkita tau sa dating tagpuan. ipagpaumanhin mo kong ilalathala ko dito ang iyong itsura. gusto ko lng na ipagmalaki ka sa lahat!!!!

mahal kita mula pa nong akoy bata!!!

Permakawing Mag-iwan ng Puna

philippine racism

Disyembre 29, 2007 at 6:39 hapon (Uncategorized)

noong nasa kolehiyo pa

sa buhok maraming humahanga

minsan din napapagkakamalan

meron ding mga nayayabangan

mga tang-ina nyo mga walang magawa

bakit di nyo isipin mga bagay na makakapagpabuti sa inyo

kesa alamin kung anong bagay ang sisira sa iba

siguro maladas na ulam nyo noon ay bubog

sabaw ng kanal at ginataang laman na galing sa poso negro

naiwasan ko ang pakikipag-away sa lahat ng paraaang alam ko

kahit na sabihing takot ako ay inisnab ko

ngayong iba na ang style ng buhok ko

ayaw nyo pa ring tantanan ang pagiging iba ko

kung sa bagay di nyo kaya ang ginwa ko

di mahawakang buhok aking pinaafro

pero talgang malaki ang galit mo sa tulad ko

na simple lang at di magalaw

pero swabeh at pati syota mo tunay

pare di ko aagawin sayo ang syota mo

potah pre ito lang ang masasabi ko sayo

DI AKO PUMAPATOL SA KAPWA KO LALAKE!!!!

Permakawing Mag-iwan ng Puna

Talo pa ang “KOREANOBELA”!

Nobyembre 26, 2007 at 9:14 hapon (Uncategorized)

alam nyo na ba ang bagong kinahuhumalingan ng mga tao ngayon? ang bagong pinakaaantabayanan? ang pinakapinagkakaguluhan? laman ng bawat usapan, inuman, chikahan at katsismisan? kung di mo pa nababalitaan ito, kawawa ka. nahuhuli ka na sa balita. taga sang planeta ka ba galing? aba aba aba…. subukan mo namang manood ng RADYO, makinig sa DYARYO at magbasa ng TV! dahil sa mga oras na to ay malamang na pinagtatawanan ka na ng pinagtatanongan mo! ge ge ge.. sasabihin ko na para di ka naman magmukang tanga. magkaron man lang ng kabuluhan ang pananatili mo sa lupa..Sssshhhhh.. wag maingay at makinig…

ang bagong love triangle ng taon! kinabibilangan ng mga malulupet sa hagupit! matitikas na dating! nakakakabang mga pangyayari! im proud to present; “LANDO“, “MINA” at “NONOY“. balitang balita na ang pagbabalik ni “LANDO” sa bansa. mula sa bansang Vietnam kung san siya pinagkaguluhan at maging dito sa ating bansa nang itoy makadalaw gawa ng kanyang asian tour.  muli itong nagbabadya ng pagbalik. muling pananalasa matapos ang matagumpay na pagdaan ng diumanoy love interest nitong si “MINA“. subalit napapabalita rin ang pagkakasabay nila nang nagngangalang “NONOY” na bagong napapabalitang naghahabol din kay “MINA“, ayon na rin sa ulat na nagmula pa sa “PAG-ASA“.

tama ka kaibigan sayong mga nabasa. 3 bagyo ang kinatatakutang magsabay-sabay na manalasa sa ating bansa bago matapos ang taon. ito ay ayon na rin sa aking mga napanood, nabasa at naring. ibayong pag-iingat po at paghahanda ang kaialangan sa mga panahong ito. wag rin sana nateng kalimutan ang magdasal.

 

sabi nga ni kuya kim,

 

WALANG SAKUNA SA PAMILYANG LAGING HANDA“!!!

 

babay…………

 

Permakawing Mag-iwan ng Puna

tama na po?? suko na ko…

Nobyembre 23, 2007 at 8:44 hapon (Uncategorized)

kelan nyo ba kami titgilan?? inaano ba namin kayo? kung tutuusin dapat pa kayong magpasalamat samin dahil sa libreng tirahan, pagkain at mga pangangailan nyong naibibigay namin… kung may nagawa man kaming kasalanan, sori na!!!! patawarin nyo na kami.. tigilan nyo na ang pamilya ko.. maga na ang buong katawan namin sa pagpapahirap nyo..

tangenang lamok to..binigyan mo ng tirahan mangangat pa.. shet!!! puro pantal na katawan ko…

Permakawing Mag-iwan ng Puna

There’s no place like home

Setyembre 21, 2007 at 8:32 hapon (Uncategorized)

Mahigit isang taon din akong nalayo sakin pamilya, kaibigan, kamag-anak, kabatak, katambayan, dating kaeskwela, tropa, kainuman at mga taong malapit saken. Isang taon din akong nagtiis sa mga bagay na di ko nakasanayan gawin at bagay na di ko dapat ginagawa. Isang taon akong nagtiyaga para marating ang anumang kinalalagyan ko ngayon. At sa wakas, sa loob ng mahigit sa isang taon ay nakabalik at nakauwe na ko sa lugar na aking kinagisnan. Lugar na nagmulat ng mga bagay bagay. Lugar san akong tinubuan ng sungay at natutong manuwag, lumaban sa hamon ng pagkakataon. Ang aking tirahan, sa wakas andito na kong muli. Kwarto ko, salamat at di ka p rin nagbabago. Magulo ka pa rin at marumi. Sa aparador ko, salamat din dahil walang kang pinagbago. Wala ka na ngang masyadong laman, ang gulo pa rin ng dating mo. Salamat, salamat, salamat….. Ngayong narito ko, di na tayo muling maghihiwalay. Kung namis mo ang pagdadala ko ng babae at paggawa ng kalokohan, hayaan nyot magpapahinga ako saglit at muli nating gagawin ang mga bagay na nagpasaya saten nun. Umasa kayo na mas malupet, mas matindi, at mas magagaling ang ipakikita ko sainyo… Salamat kwarto ko!!!

Permakawing Mag-iwan ng Puna

nasan ang langet???

Setyembre 21, 2007 at 8:21 hapon (Uncategorized)

Madalas kong itanong sa magulang ko, nakakatanda saken, mga kapitbahay, tiyo at tiya kung san talaga naroroon ang langet.. madalas din nilang sinasagot na “Sa ibabaw ulap matatagpuan ang langit!”. Matagal na naglalaro sa isip ko ang sagot sa tanong kong iyon. Madalas ko ring abangan sa mga pelikula ang eksenang magpapakita ng ulap baka kasi sakaling makita ko ang langit. Ngunit sawi akong makita ang sagot nila sa tanong ko. Kauuwe ko lang last week mula maynila. At sa pagkakataong ito erplen ang paraan ng transportasyong sasakyan ko. Sa wakas mararating ko na rin ang langit kahit saglit, tugon ko sa sarili ko habang naghihintay ng oras ng pag-alis. Ngunit tulad ng mga dating pangyayari, bigo pa rin akong marating ito. Salamat sa lahat ng mga sumagot sa tanong ko nung akoy musmos pa lang. Ngayon naiintindihan ko na, na hindi pala malayong mangyari na lahat ng tao sa mundo ay maging sinungaling kung s murang edad pa lang ay dito ka na iminulat. Pero di naman ako tanga para talagang paniwalaan kayo. Sus!! Alam ko kaya kung nasan… Sa isang lugar na maaaring malamig o mainit, masikip o maluwang, nakahiga ka man, nakatayo o nakaupo, di na rin na kailangan pang lumayo. Sa tulad ko rin palang tao matatagpuan ang langit…

Alak pa!!!

Permakawing Mag-iwan ng Puna