ale…nasa langit na ba ako?

Hulyo 9, 2007 at 2:10 umaga (walang magawa)

 tanda ko pa ng pinakilala ka sakin,

nang isang kaibigan na walang ibang hangarin.

na sana tayo’y maging magkaibigan,

at di niya sinabi na ika’y aking ligawan.

pero masyado atang mapagbiro ang tadhana,

biruang nauwi sa ligawan, yun na nga!

pero di naging madali ang takbo,

nang relasyong ninais na mabuo.

away dito, selos dun,

away bati, parang laro.

hanggang sa lumipas ang ilan pang buwan,

nananatiling matatag kahit sa ulan.

minsan din namang tayong sinubukan,

pero di natinag, bawat isa ang sandalan.

kaya siguro medyo nakakatuwang balilkan,

mga pangyayari sati’y nagagawa nang tawanan.

ngayon maayos ang lahat,

me pumapapel, pero di pa sapat.

para buwagin ang relasyong itinaguyod,

ng pagsasamang puso ang nasunod.

kaya salamat sa pagmamahal mo,

pag-aalaga at pag-iisip na positibo.

na ang lahat ng tama ay may katumbas,

na kaligayang hanggang wakas.

sana walang nang magbago,

itsura, postura, estado ng buhay na lang siguro.

pero sa pag-ibig na nararamdaman,

manatili sana satin kailanman.

hihintayin kita sa kabilang mundo,

wag kang magmadali, nasa tabi mo lang ako.

binabantayan ka sa lahat ng iyong ginagawa,

ako na iyong anghel de la guardia.

 basta’t laging mong tatandaan,

ako pa rin ang iyong minahal na kasintahan.

ganun pa rin ang turing ko saiyo,

andito ka, nag-iisa saking puso.

 


Permakawing Mag-iwan ng Puna